Pagpapaubayà ng Tahanan kay Maria,
Tulong ng mga Kristiyano
Kabanál-banalang Birhen Maria,
na itinakdâ ng Diyós na Tulong ng mga Kristiyano,
ikáw ang Iná at Tagápagtanggól ng aming tahanan.
Nakikisuyò kamíng dulugán kami ng iyong pagtatanggól.
Iligtás ang aming tahanan sa lahát ng panganib:
sunog, bahâ, kidlát, unós, lindól, magnanakáw
at ibá pang panganib.
Pagpalain, iligtás at ipagtanggól sana kamí.
Ituring sana kamí at lahát ng sa ami'y naninirahan
bilang iyó na ring mag-anak.
Iligtás kamíng lahát sa anumáng aksidente o kasawiang-palad.
Ngunit bago sa lahát, sana'y ipagkaloób sa amin ang biyayà
na iwasan ang magkasala.
Maria, Tulong ng mga Kristiyano,
ipanalangin ang lahát ng nakatirá sa tahanan naming
ipinauubayà sa iyóng pangangalagà magpakailanmán.
Amen.
Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.
Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 3.149.241.93