
26 Linggó sa Karaniwang Panahón - C, 9/25/2022
Leksyonaryo 138
Mga Pagbasa
Pagbasa 1: Propeta Amos 6:1a, 4-7
Pagpapahayág mula sa Aklát ni Propeta AmosItó ang sinasabi ng Panginoóng makapángyarihan:
“Kahabág-habág kayóng namumuhay na maginhawa sa Sion!
Kahabág-habág kayó
na nahihiga sa magagarang kama at nagpápahingá sa malalapad na himlayan,
habang nagpápakabusog sa masasaráp na pagkain.
Lumilikha pa kayó ng mga awit sa saliw ng mga alpa, tulad ni David.
Sa malalaking mangkok na kayó umiinom ng alak at mamahaling pabango ang ipinapahid ninyo sa katawan.
Ngunit itinangis na ba ninyo ang darating na pagkawasak ng Israel?
Hindi.
Kaya nga, kayó ang unang ipatatapon.
Matitigil na ang inyóng mga pagpipiging at pagsasayá.”
Magandáng Balitŕ Bíblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
1750
Tugon sa Salmo: Tugon sa Awit
Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoóng butihin!
1751
Salmong Tugunan: Awit 0146:7, 8-9a, 9b-10
Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoóng butihin!Ang maaasahang lagi’y Panginoón, panig sa naaapi,
ang Diyós na hukom, may pagkaing handa, sa nangagugutom. Tugón
Pinalaya niyá ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahát ng inapi ay itinataás,
ang mga hinirang niyá’y nililingap. Tugón
Isinásanggaláng ang mga dayuhang sa lupain nila’y doón tumatahan;
tumutulong siyá sa balo’t ulila, masamáng balangkás pinipigil niyá. Tugón
Walang hanggáng Hari, ang Diyós na Poon!
Nabubuhay lagi ang Diyós mo, Sion! Tugón
Magandáng Balitŕ Bíblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
1752
Pagbasa 2: 1 Sulat kay Timoteo 6:11-16
Pagpapahayág mula sa Unang Sulat ni San Pablo kay TimoteoIkáw na lingkod ng Diyós,
sikapin mong mamuhay sa katuwiran,
kabanalan, pananalig, pag-ibig, pagtitiis at kaamuan.
Gawin mo ang buo mong makakaya
sa pakikibaka alang-alang sa pananámpalataya
at kakamtán mo ang buhay na walâng hanggán,
yamang diyán ka tinawag ng Diyós
nang ipahayág mo sa harapán ng maraming saksi ang iyóng pananámpalataya.
Sa ngalan ng Diyós na nagbibigay- buhay sa lahát ng bagay,
at sa ngalan ni Kristo Hesús na nagpatotoo sa harapán ni Poncio Pilato,
iniuutos ko sa iyó:
ang mga tagubiling itó’y panatilihin mong mabisa at walâng kapintasan
hanggáng sa pagdating ng Panginoóng Hesukristo.
Sa takdáng panahon,
siyá’y ihahayág ng mapagpalang Diyós,
ang makapangyarihang Hari ng mga hari at Panginoón ng mga Panginoón.
Siyá lamang ang walâng kamatayan,
ang nananahan sa liwanag na dimatitigan.
Hindi siyá nakita o makikita ninuman.
Sa kaniyá ang karangalan at ang walâng hanggáng kapangyarihan.
Amen!
Bagong Tipán © 1973 Philippine Bible Society. All rights reserved.
1753
Pambungad:
Si Kristo ay nagíng dukhâ upang tayo’y managana sa bigáy n’yang pagpapalŕ.1754
Magandang Balita: Mabuting Balita ayon kay San Lucas 16:19-31
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San LucasNoong panahong iyón, sinabi ni Hesús sa mga Pariseo:
“May isáng mayamang nagdaramit nang mamahalin
at saganang-sagana sa pagkain araw-araw.
At may isa namáng pulubing nagngangalang Lázaro,
tadtád ng sugat, na nakalupasáy sa may pintuan ng mayaman
upang mamulot kahit mumong nahuhulog
mula sa hapág ng mayaman.
At doo’y nilalapitan siyá ng aso at dinidilaan ang kaniyáng mga sugat.
Namatáy ang pulubi, at dinalá ng mga anghel sa piling ni Abrahám.
Namatáy rin ang mayaman at inilibing.
Sa gitna ng kaniyáng pagdurusa sa Hades,
tumingala ang mayaman at kaniyáng natanáw sa malayo si Abrahám,
kapiling si Lazaro.
At sumigáw siyá:
‘Amáng Abrahám, mahabág po kayó sa akin.
Utusan ninyo si Lazaro na isawsáw sa tubig ang dulo ng kaniyáng daliri
at palámigin sa aking dila,
sapagkát naghihirap akó sa apoy na itó.’
Ngunit sinabi sa kaniyá ni Abrahám,
‘Anák, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng lupa,
at si Lazaro’y nagtiis ng kahirapan.
Ngunit ngayo’y inaaliw siyá rito, samantalang ikáw namá’y nagdurusa.
Higit sa lahát, inilagáy sa pagitan natin ang isang malaking bangin
upang ang mga narini ay hindi makapariyán
at ang mga nariyán ay hindi makaparini.’
At sinabi ng mayaman,
‘Kung gayon po, Amáng Abrahám,
ipinamámanhik ko sa inyóng papuntahin si Lazaro
sa bahay ng aking amá,
sapagkát akó’y may limáng kapatid na lalaki.
Paparoonin nga ninyo siyá
upang babalaán silá
at nang hindi silá humantong sa dakong itó ng pagdurusa.’
Ngunit sinabi sa kaniyá ni Abraham,
‘Nasa kanilá ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta;
pakinggán nilá ang mga iyón.’
‘Hindi po sapát ang mga iyón,’ tugon niyá,
‘ngunit kung pumuntá sa kanilá ang isáng patáy na muling nabuhay,
tatalikdán nilá ang kaniláng mga kasalanan.’
Sinabi sa kaniyá ni Abrahám,
‘Kung ayaw niláng pakinggán ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta,
hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patáy na muling nabuhay.’ ”
Bagong Tipán © 1973 Philippine Bible Society. All rights reserved.
1755
Magandáng Balitŕ Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
Uwian, Ugnay, Yaman, Sinugboanon, Ilocano, Capampangan, Pangasinan

Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006
Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.
Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.
Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2025 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 216.73.216.241