Misa, Liturhiya, Pagbasa, Awit sa
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

24 Linggó sa Karaniwang Panahón, 9/15/2024

Leksyonaryo 131

Mga Awit Mga Awit sa Kapistahang Itó

Mga Pagbasa

Pagbasa 1: Propeta Isaias 50:4-9a

Binigyan ako ng pang-unawa ng Panginoon,
hindi ako naghimagsik ni tumalikod sa kaniyá.
Hindi ako tumutol nang bugbugin nila ako,
hindi ako kumibo nang ako’y kanilang insultuhin.
Pinabayaan ko silang bunutin ang buhok ko’t balbas,
gayundin nang lurhan nila ako sa mukha.
  
Ang mga pagdustang ginawa nila’y ‘di ko pinapansin,
pagkat ang Makapangyarihang Panginoon ang tumutulong sa akin.
Handa akong magtiis pagkat aking batid na ang sarili ko’y di mapapahiya.
  
Ang Diyos ay malapit at siyá ang magpapatunay na wala akong sala.
May mangangahas bang maghabla sa akin?
Magharap kami sa hukuman, at ilahad ang kaniyáng bintang.
Ang Poon mismo ang magtatanggol sa akin.
Sino ang makapagpapatunay na ako ay may sala?
  

1708

Tugon sa Salmo: Tugon sa Awit

Kapiling ko habambuhay ang Panginoong Maykapal!


1709

Salmong Tugunan: Awit 0116:1-2, 3-4, 5-6, 8-9

Mahal ko ang Panginoón, pagka’t akó’y dinirinig.
Dinirinig niya akó, sa dalangin ko at hibik;
akó’y kaniyáng dinirinig tuwing akó’y tumatawag,
kung akó ay tumatawag, sinasagót niya agad.
  
Noóng akó’y mahuhulog sa bingit ng kamatayan,
nadarama ko ang tindi ng takot ko sa libingan;
lipós akó ng pangamba at masidhing katakutan.
Sa ganoóng kalagayan, Panginoó’y tinawag ko,
at akó ay nagsumamo na iligtas niya akó.
  
Mabuti ang Panginoón, siyá’y mahabaging Diyós,
tunay siyáng mahabagin at mapagpahinuhod.
Panginoó’y nagtatanod sa wala nang sumaklolo,
noóng akó ay manganib, iniligtas niya akó.
  
Ako’y kaniyang iniligtas sa kuko ng kamatayan,
tinubos sa pagkatalo, at luha ko’y pinahiran.
Sa harap ng Panginoón doón akó mananahan,
doón ako mananahan sa daigdig nitóng buhay.
  

1710

Pagbasa 2: Sulat ni Santiago 2:14-18

Mga kapatid:
Ano ang mapapala ng isang tao
kung sabihin man niyang siyá’y may pananampalataya,
ngunit hindi naman niya pinatutunayan sa gawa?
Maililigtas ba siyá ng gayong pananampalataya?
  
Halimbawa: ang isang kapatid ay walang maisuot at walang makain.
Kung sabihin ng isa sa inyo,
“Patnubayan ka nawa ng Diyos.
Magbihis ka’t magpakabusog,”
ngunit hindi naman siyá binibigyan ng kaniyang kailangan,
may mabuti bang maidudulot sa kaniyá iyon?
Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.
  
Ngunit may nagsabi,
“May pananampalataya ka at may gawa ako.”
Sagot ko naman,
“Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang walang kalakip na gawa,
at ipakikita ko naman sa iyo sa pamamagitan ng aking mga gawa ang aking pananampalataya.”

1711

Pambungad:

Sa krus ni Kristo dinangal itong ating pamumuhay na para sa kaniyá lamang.
1712

Magandang Balita: Marcos 8:27-35

Noóng panahóng iyón,
si Hesus,
kasama ang kaniyáng mga alagád,
ay nagtungo sa mga nayon ng Cesarea,
sakop ni Filipo.
Samantalang silá’y naglalakbáy,
tinanóng niyá ang kaniyáng mga alagád,
“Sino raw ako ayon sa mga tao?"

Sumagót silá,
“Ang sabi ng ilán ay si Juan Bautista kayó;
sabi namán ng iba,
si Elias kayó;
at may nagsasabi pang isa kayó sa mga propeta."

“Kayo namán – anó ang sabi ninyó?
Sino akó?" tanóng niya.
“Kayó ang Kristo,” tugón ni Pedro.
“Huwág ninyóng sasabihin kaninumán kung sino akó,”
mahigpit na utos niyá sa kanilá.

Mula noón,
ipinaalám na ni Hesus sa kaniyáng mga alagád
na ang Anák ng Tao’y dapat magbata ng maraming hirap.
Siyá’y itatakwil ng matatanda ng bayan,
ng mga punong saserdote at ng mga eskriba,
at ipapapatáy.
Ngunit sa ikatlóng araw,
muli siyáng mabubuhay.
Maliwanag na sinabi niyá itó sa kanilá.

Kayá’t niyaya siyá ni Pedro sa isáng tabi at sinimuláng pagsabihan.
Ngunit humaráp si Hesus sa kaniyáng mga alagád at pinagwikaan si Pedro:
“Lumayo ka, Satanás!
Ang iniisip mo’y hindi sa Diyós kundi sa tao."

Pinalapit ni Hesus ang mga tao,
pati ang kaniyáng mga alagád,
at sinabi,
“Kung ibig ninumáng sumunód sa akin,
limutin niyá ang ukol sa kaniyáng sarili,
pasanin ang kaniyáng krus at sumunod sa akin.

Ang naghahangád na magligtás ng kaniyáng buhay
ay siyáng mawawalán nito;
ngunit ang mag-alay ng kaniyáng buhay
alang-alang sa akin at sa Mabuting Balita ay siyáng magkakamit niyón."


1713

Magandáng Balitŕ Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006

Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.



Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.

Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at right arrow info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 18.207.255.67