Misa, Liturhiya, Pagbasa, Awit sa
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

14 Linggó sa Karaniwang Panahón, 7/7/2024

Leksyonaryo 101

Mga Awit Mga Awit sa Kapistahang Itó

Mga Pagbasa

Pagbasa 1: Propeta Ezekiel 2:2-5

Pagpapahayag mula sa aklat ni Propeta Ezekiel

Noong mga araw na iyon,
nilukuban akó ng Espiritu at itinayo akó
upang pakinggan ang isang tinig na nagsasabi:
“Tao,
susuguin kita sa Israel,
sa bansang suwail.
Pagkat mula sa kanilang ninuno,
naghihimagsik na silá sa akin hanggang ngayon.
Matigas ang kanilang ulo at walang pitagan.
Kaya puntahan mo silá at sabihin mong ito
ang ipinasasabi ng Panginoóng Diyós.
Sa makinig silá o sa hindi –
pagkat matigas nga ang kanilang ulo –
malalaman nilang may isang propeta sa gitna nila."


1536

Tugon sa Salmo: Tugon sa Awit

Matá namí'y nakatuón sa awà ng Panginoón

Pakinggan
Mas malaki at malinaw na larawan:
165-Santatlo


1537

Salmong Tugunan: Awit 0123:1-2a, 2bc, 3-4

Ang aking pangmasid doon nakapukol,
sa luklukang trono mo,
O Panginoón. Tulad ko’y aliping ang inaasahan ay ang amo niyá para matulungan.

Kaya walang humpay ang aming tiwala,
hanggang ikaw, Poon, sa ami’y maawa.
Mahabag ka sana, kami’y kaawaan,
labis na ang hirap naming tinataglay.

Kami’y hinahamak ng mga mayaman,
matagal na kaming laging inuuyam ng mapang-aliping palalo’t mayabang.


1538

Pagbasa 2: II Sulat sa mga Taga-Corinto 12:7-10

Pagpapahayag mula sa Ikalawang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:
Para hindi ko ipagyabang ang kamangha-manghang pahayag ng Diyós sa akin,
akó’y binigyan ng isang kapansanan sa katawan na nagsisilbing pamalo ni Satanas
upang huwag akóng magpalalo.
Tatlong beses kong idinalangin sa Panginoón na alisin ito,
ngunit ganito ang kaniyáng sagot,
“Ang tulong ko’y sapat sa lahát ng pangangailangan mo;
lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina."
Kaya’t buong galak na ipagmamapuri ko ang aking kahinaan
upang palakasin akó ng kapangyarihan ni Kristo.
Dahil kay Kristo,
walang halaga sa akin kung akó ma’y mahina,
kutyain,
pahirapan,
usigin,
at magtiis.
Sapagkat kung kailan akó mahina,
saka naman akó malakas.


1539

Pambungad: Mabuting Balita ayon kay San Lucas 4:18

Ikaw, Kristo, ay sinugo upang sa dukha’y magturo, magpalaya sa bilanggo.
1540

Magandang Balita: Marcos 6:1-6

Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon,
si Hesús ay nagtungo sa sariling bayan,
kasama ang kaniyáng mga alagad.
Pagdating ng Araw ng Pamamahinga,
nagturo siyá sa sinagoga.
Nagtaka ang maraming nakarinig sa kaniyá at nagtanong,
“Saan niyá nakuha ang lahát ng iyan?
Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kaniyá?
Paano siyá nakagagawa ng mga kababalaghan?
Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria,
at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon?
Dito nakatira ang kaniyáng mga kapatid na babae,
hindi ba?"
At siyá’y ayaw nilang kilanlin.
Kaya’t sinabi ni Hesús sa kanila,
“Ang propeta’y iginagalang ng lahát,
liban lamang ng kaniyáng mga kababayan,
mga kamag-anak,
at mga kasambahay."
Hindi siyá nakagawa ng anumang kababalaghan doon,
maliban sa pagpapatong ng kaniyáng kamay sa ilang maysakit
upang pagalingin ang mga ito.
Nagtaka siyá
sapagkat hindi silá sumampalataya.


1541

Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006

Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.



Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.

Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at right arrow info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 18.207.255.67