15 Linggó sa Karaniwang Panahón, 7/14/2024
Leksyonaryo 104Mga Awit sa Kapistahang Itó
Mga Pagbasa
Pagbasa 1: Propeta Amos 7:12-15
Pagpapahayag mula sa Aklat ni Propeta AmosNoong mga araw na iyon,
hinarap ni Amasias,
ang saserdote sa Betel,
si Amos,
“Bulaan kang propeta!
Magbalik ka na sa Juda;
doon ka maghanapbuhay sa pamamagitan ng iyong panghuhula.
Huwag ka nang manghuhula rito sa Betel.
Narito ang pambansang templo at dito sumasamba ang hari."
Sumagot si Amos,
“Hindi akó propeta – hindi ko ito hanapbuhay.
Akó’y pastol at nag-aalaga rin ng mga punong-igos.
Ngunit inialis akó ng Panginoón sa gawaing iyon
at inutusang magsalita para sa kaniyá,
sa mga taga-Israel."
1554
Tugon sa Salmo: Tugon sa Awit
Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa!Pakinggan
Mas malaki at malinaw na larawan:
1555
Salmong Tugunan: Awit 085:9-10, 11-12, 13-14
Aking naririnig magmula sa Poon ang sinasalita;sinasabi niyáng ang mga lingkod n’ya’y magiging payapa,
kung mangagsisisi at di na babalik sa gawang masama.
Ang nagpaparangal sa pangalan niyá’y kaniyáng ililigtas,
sa ating lupain ay mananatili ang kaniyáng paglingap.
Ang pagtatapatan at pag-iibiga’y magdadaup-palad,
ang kapayapaan at ang katwira’y magsasamang ganap.
Sa balat ng lupa’y pawang maghahari yaong pagtatapat,
at ang katarungan nama’y maghahari mula sa itaas.
Gagawing maunlad ng Panginoóng Diyós itong ating buhay,
ang mga halaman sa ating lupai’y bubungang mainam;
sa harapan niyá yaong maghahari’y pawang katarungan,
magiging payapa’t susunod ang madla sa kaniyáng daan.
1556
Pagbasa 2: Sulat sa mga Taga-Efeso 1:3-14 or 1:3-10
Pagpapahayag mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-EfesoMagpasalamat tayo sa Diyós at Ama ng ating Panginoóng Hesukristo!
Pinagkalooban niyá tayo ng lahát ng pagpapalang espirituwal
dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo.
At sa atin ngang pakikipag-isang ito,
hinirang na niyá tayo bago pa nilikha ang sanlibutan
upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niyá.
Dahil sa pag-ibig ng Diyós,
tayo’y kaniyáng itinalaga
upang maging mga anak niyá sa pamamagitan ni Hesukristo.
Iyan ang kaniyáng layunin at kalooban.
Purihin natin siyá
dahil sa kaniyáng kahanga-hangang pagkalinga sa atin
sa pamamagitan ng kaniyáng minamahal na Anak!
Tinubos tayo ni Kristo sa pamamagitan ng kaniyáng kamatayan
at sa gayo’y pinatawad na ang ating mga kasalanan.
Gayon kadakila ang pag-ibig na ipinadama niyá sa atin!
Binigyan niyá tayo ng karunungan at kabatiran
upang lubos nating maunawaan ang kaniyáng lihim na panukala
na isasakatuparan sa pamamagitan ni Kristo pagdating ng takdang panahon.
Ang panukalang ito ay pag-isahin kay Kristo
ang lahát ng nasa langit at nasa lupa.
At dahil kay Kristo,
kami’y naging bayan ng Diyós na nagsagawa ng lahát ng bagay
ayon sa kaniyáng panukala at kalooban.
Nangyari ito nang kami’y hirangin niyá noon pang una –
kaming mga unang umasa kay Kristo – sa lalong ikadadakila niyá.
Kayó ma’y naging bayan ng Diyós
nang kayó’y manalig sa kaniyá matapos ninyóng marinig ang salita ng katotohanan –
ang Mabuting Balita na nagdudulot ng kaligtasan.
Kaya’t ipinagkaloob sa inyó ang Espiritu Santong ipinangakó ng Diyós
bilang tatak ng pagkahirang sa inyó.
Ang Espiritu ang katibayan ng mga pangakó ng Diyós
sa ating mga hinirang hanggang kamtan natin ang lubos na kaligtasan.
Purihin natin ang kaniyáng kadakilaan!
1557
Pambungad: Sulat sa mga Taga-Efeso 1:17-18
D’yos Ama ni Hesukristo, kami ay liwanagan mo at tutugon kami sa ‘yo.1558
Magandang Balita: Marcos 6:7-13
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San MarcosNoong panahong iyon,
tinawag ni Hesús ang Labindalawa,
at sinugong dala-dalawa.
Binigyan niyá silá ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu
at pinagbilinan:
“Sa inyóng paglalakbay,
huwag kayóng magdala ng anuman,
maliban sa tungkod.
Ni pagkain,
balutan,
salapi sa inyóng lukbutan o bihisan,
ay huwag kayóng magdala.
Ngunit magsuot kayó ng panyapak."
Sinabi rin niyá sa kanila,
“At sa alinmang tahanang inyóng tuluyan –
manatili kayó roon hanggang sa pag-alis ninyó sa bayang iyon.
Kung ayaw kayóng tanggapin o pakinggan sa isang dakó,
umalis kayó roon at ipagpag ninyó ang alikabok ng inyóng mga paa,
bilang babala sa mga tagaroon."
Kaya’t humayo ang Labindalawa at nangaral sa mga tao na pagsisihan nila
at talikdan ang kanilang mga kasalanan.
Pinalayas nila ang maraming demonyo sa mga inaalihan nito;
pinahiran nila ng langis at pinagaling ang maraming maysakit.
1559
Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
Uwian, Ugnay, Yaman, Sinugboanon, Ilocano, Capampangan, Pangasinan
Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006
Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.
Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.
Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 3.236.100.210