14 Linggó sa Karaniwang Panahón - A, 7/9/2023
Leksyonaryo 100Mga Awit sa Kapistahang Itó
Mga Pagbasa
Pagbasa 1: Zacarias 9:9-10
Pagpapahayag mula sa Aklat ni Propeta ZacariasIto ang sinasabi ng Panginoón:
“Sion,
magalak ka at magdiwang!
Umawit ka nang malakas,
O Jerusalem!
Pagkat ang hari mo ay dumarating na,
mapagwagi at mapagtagumpay.
Mapagpakumbaba siyá at nakasakay sa isang bisirong asno.
Ipaaalis niyá ang mga karuwahe sa Efraim,
gayon din ang mga kabayong pandigma ng Jerusalem.
Babaliin niyá ang mga panudla ng mandirigma
at paiiralin ang pagkakasundo ng lahát ng bansa.
Ang hangganan ng kaharian niyá’y dagat magkabila,
mula sa Eufrates hanggang dulo ng daigdig.”
1530
Tugon sa Salmo: Awit 0145
Diyos ko at aking Hari, pupurihin kitang lagi!1531
Salmong Tugunan: Awit 0145
Ang kadakilaan ng Diyós ko at Hari, aking ihahayag,di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,
aking pupurihi’t pasasalamatan siyá araw-araw,
di akó titigil ng pasasalamat magpakailanman!
Ang Panginoóng D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag,
banayad magalit, ang pag-ibig niyá’y hindi kumukupas.
Siyá ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa kaniyáng nilikha, ang pagtingin niyá ay mamamalagi.
Magpupuring lahát sa iyo,O Poon, ang iyong nilalang;
lahát mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.
Di ka bibiguin sa mga pangakó pagkat ang Diyós ay tapat,
ang kaniyáng ginawa kahit ano ito ay mabuting lahát.
Siyá’y tumutulong sa lahát ng tao na may suliranin;
yaong inaapi’y inaalis niyá sa pagkagupiling.
Sa mga sulat-tugtugin, ang « ng » ay isinusulat na « nang » at ang « mga » ay « manga ».
1532
Pagbasa 2: Sulat sa mga Taga-Roma 8:9, 11-13
Pagpapahayag mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-RomaMga kapatid:
Hindi na kayó namumuhay ayon sa laman
kundi ayon sa Espiritu,
kung talagang nananahan sa inyó ang Espiritu ng Diyós.
Kung ang Espiritu ni Kristo’y wala sa isang tao,
hindi siyá kay Kristo.
Kung nananahan sa inyó ang Espiritu ng Diyós
na siyáng muling bumuhay kay Hesukristo,
ang Diyós ding iyan ang magbibigay ng buhay
sa inyóng mga katawang mamamatay,
sa pamamagitan ng kaniyáng Espiritung nananahan sa inyó.
Mga kapatid,
hindi na tayo alipin ng likas na hilig ng laman,
kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa laman.
Sapagkat mamamatay kayó
kung namumuhay kayó sa laman
ngunit kung pinapatay ninyó sa pamamagitan ng Espiritu Santo
ang mga gawa ng laman,
mabubuhay kayó.
1533
Pambungad: Mabuting Balita ayon kay San Mateo 11:25
Papuri sa Diyos Ama pagka’t ipinahayag n’ya hari s’ya ng mga aba.Pakinggan ang Alleluia:
Mas malinaw at malaking larawan:
1534
Magandang Balita: Mabuting Balita ayon kay San Mateo 11:25-30
Noong panahong iyo’y sinabi ni Hesús,“Pinasasalamatan kita, Ama,
Panginoón ng langit at lupa,
sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino
at inihayag sa may kaloobang tulad ng sa bata.
Oo, Ama,
sapagkat gayon ang ikinalulugod mo.
Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahát ng bagay.
Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama,
at walang nakakikilala sa Ama
kundi ang Anak
at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.
Lumapit kayó sa akin,
kayóng lahát na napapagal at nabibigatan sa inyóng pasanin,
at kayó’y pagpapahingahin ko.
Pasanin ninyó ang aking pamatok,
at mag-aral kayó sa akin;
akó’y maamo at mababang- loob,
at makasusumpong kayó ng kapahingahan para sa inyóng kaluluwa.
Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok,
at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyó.”
1535
Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
Uwian, Ugnay, Yaman, Sinugboanon, Ilocano, Capampangan, Pangasinan
Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006
Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.
Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.
Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 3.145.111.3