Misa, Liturhiya, Pagbasa, Awit sa
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

12 Linggó sa Karaniwang Panahón, 6/23/2024

Leksyonaryo 95

Mga Awit Mga Awit sa Kapistahang Itó

Mga Pagbasa

Pagbasa 1: Job 38:1, 8-11

Pagpapahayag mula sa Aklat ni Job

Sa gitna ng nag-aalimpuyong bagyo,
ganito ang sinabi ng Diyós kay Job:
“Sino ang humarang sa agos ng dagat,
nang mula sa kalaliman ito’y sumambulat?
Ang dagat ay tinakpan ko ng makapal na ulap
kaya ang karimlan doo’y lumaganap.
Ang tubig ay aking nilagyan ng hangganan,
upang ito’y manatili sa likod ng mga harang.
Sinabi kong silá’y hanggang doon na lang,
huwag nang lalampas ang along naglalakihan.


1507

Tugon sa Salmo: Tugon sa Awit

Leksyonaryo Bilang 95
1508

Salmong Tugunan: Awit 0107:23-24, 25-26, 28-29, 30-31

Awit
1509

Pagbasa 2: II Sulat sa mga Taga-Corinto 5:14-17

Pagpapahayag mula sa Ikalawang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:
Ang pag-ibig ni Kristo ang naguudyok sa aking magkaganyan,
ngayong malaman kong siyá'y namatay para sa lahát at
dahil diyan,
ang lahát ay maibibilang nang patay.
Namatay siyá para sa lahát
upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili,
kundi para kay Kristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila.
Kaya ngayon,
ang pagtingin namin kaninuman ay hindi na batay sa sukatan ng tao.
Noong una'y gayon ang aming pagkakilala kay Kristo,
ngunit ngayo'y hindi na.
Kaya't ang sinumang nakipag-isa kay Kristo
ay isa nang bagong nilalang.
Wala na ang dating pagkatao;
siyá'y bago na.


1510

Magandang Balita: Marcos 4:35-41

Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Marcos

Noong araw na yaon,
habang gumagabi’y sinabi ni Hesús sa mga alagad niyá,
“Tumawid tayo sa ibayo."
Kaya’t iniwan nila ang mga tao,
at sumakay sa bangkang kinalululanan ni Hesús
upang itawid siyá.
May kasabay pa siláng ibang mga bangka.
Dumating ang malakas na unos.
Hinampas ng malalaking alon ang bangka,
anupat halos mapuno ito ng tubig.

Si Hesús nama’y nakahilig sa unan sa may hulihan ng bangka
at natutulog.
Ginising siyá ng mga alagad.
“Guro,” anila,
“di ba ninyó alintana?
Lulubog na tayo!"

Bumangon si Hesús at iniutos sa hangin,
“Tigil!"
At sinabi sa dagat,
“Tumahimik ka!"
Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang dagat.

Pagkatapos,
sinabi niyá sa mga alagad,
“Bakit kayó natatakót?
Wala pa ba kayóng pananalig?"

Sinidlan silá ng matinding takót at panggigilalas,
at nagsabi sa isa’t isa,
“Sino nga kaya ito,
at sinusunod maging ng hangin at ng dagat?"


1511

Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006

Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.



Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.

Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at right arrow info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 18.97.14.88