11 Linggó sa Karaniwang Panahón, 6/16/2024
Leksyonaryo 92Mga Awit sa Kapistahang Itó
Mga Pagbasa
Pagbasa 1: Propeta Ezekiel 17:22-24
Pagpapahayag mula sa Aklat ni Propeta EzekielIto nga ang ipinasasabi ng Panginoón,
“Kukuha akó ng isang usbong ng sedro at aking iaayos.
Ang kukunin ko’y yaong pinakamura ng pinakamataas na sanga.
Itatanim ko ito sa isang mataas na bundok,
sa pinakamataas na bundok ng Israel
upang lumago at mamungang mabuti
at maging isang kahanga-hangang sedro.
Sa gayon,
lahát ng uri ng hayop ay makapaninirahan sa ilalim nito.
Ang mga ibon nama’y makapamumugad sa mga sanga nito.
Kung magkagayon,
malalaman ng lahát ng punongkahoy
na mapabababa ko ang mataas na kahoy
at maitataas ko yaong mababa;
na matutuyo ko ang sariwang kahoy
at mapananariwa ko yaong tuyong punongkahoy.
Akóng Panginoón ang nagsasabi nito at ito’y gagawin ko."
1495
Tugon sa Salmo: Awit 092
Totoong kalugud-lugod ang magpasalamat sa D’yos!Pakinggan
Mas malaki at malinaw na larawan:
1496
Salmong Tugunan: Awit 092
Ang magpasalamat sa Panginoong Diyos ay mabuting bagay,umawit na lagi,
purihin ang ngalang Kataas-taasan.
Pag-ibig n’yang wagas ay dapat ihayag,
kung bukang-liwayway;
pagsapit ng gabi ang katapatan n’ya’y ihayag din naman.
Katulad ng palma,
ang taong matuwid tatatag ang buhay,
parang mga sedro, kahoy sa Libano, lalagong mainam.
Parang punongkahoy na doon natanim sa tahanan ng Diyos,
sa banal na templo ito ay lalago na nakalulugod.
Tuloy ang pagbunga kahit na ang punong ito ay tumanda,
luntia’t matatag,
at ang dahon nito ay laging sariwa.
Ito’y patotoo na ang Panginoo’y tunay na matuwid,
siyá kong sanggalang,
matatag na batong walang bahid dungis.
1497
Pagbasa 2: II Sulat sa mga Taga-Corinto5:6-10
Pagpapahayag mula sa Ikalawang Sulat ni San Pablo sa mga taga-CorintoMga kapatid,
laging malakas ang aking loob.
Alam ko na habang tayo’y nasa tahanang ito,
ang ating katawan,
hindi mapapasaatin ang tahanang galing sa Panginoón.
Namumuhay akó ayon sa pananalig sa Diyós,
hindi sa mga bagay na nakikita.
Malakas nga ang loob kong
iwan ang katawang ito na aking tinatahanan
upang manirahan sa piling ng Panginoón.
Kaya naman,
ang pinakananais ko ay maging kalugud-lugod sa kaniyá,
sa tahanang ito o doon man sa langit.
Sapagkat bawat isa ay haharap sa hukuman ni Kristo
upang tumanggap ng kaukulang ganti sa kaniyáng ginawa,
mabuti man o masama,
nang siyá’y nabubuhay pa sa daigdig na ito.
1498
Pambungad: . . .
Salita ng D’yos ang buto na tanim ni Hesukristo upang tumubo sa tao.1499
Magandang Balita: Mc 4:26-34
Noong panahong iyon,sinabi ni Hesús sa mga tao,
“Ang paghahari ng Diyós ay maitutulad
sa isang naghahasik ng binhi sa kaniyáng bukid.
Pagkatapos niyon,
magpapatuloy siyá sa kaniyáng pang-araw-araw na gawain;
tutubo at lalago ang binhi nang hindi niyá nalalaman kung paano.
Ang lupa’y siyáng nagpapasibol at nagpapabunga sa mga pananim:
usbong muna,
saka uhay na pagkatapos ay mahihitik sa mga butil.
Pagkahinog ng mga butil,
agad itong ipagagapas
sapagkat dapat nang anihin.
Sa ano natin ihahambing ang paghahari ng Diyós?"
sabi pa ni Hesús.
“Anong talinghaga ang gagamitin natin
upang ilarawan ito?
Tulad ito ng butil ng mustasa na siyáng pinakamaliit sa lahát ng binhi.
Kapag natanim na at lumago,
ito’y nagiging pinakamalaki sa lahát ng puno ng gulay;
nagkakasanga ito nang malalabay,
anupat ang mga ibon ay nakapamumugad sa mga sanga nito."
Ang Salita’y ipinangaral ni Hesús sa kanila
sa pamamagitan ng maraming talinghagang tulad nito,
ayon sa makakaya ng kanilang pang-unawa.
Hindi siyá nangaral sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga;
ngunit ipinaliwanag niyá nang sarilinan
sa kaniyáng mga alagad ang lahát ng bagay.
1500
Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
Uwian, Ugnay, Yaman, Sinugboanon, Ilocano, Capampangan, Pangasinan
Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006
Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.
Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.
Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 3.236.100.210