5 Linggó ng Mulíng Pagkabuhay, 4/28/2024
Leksyonaryo 53Mga Awit sa Kapistahang Itó
Mga Pagbasa
Pagbasa 1: Gawâ ng mga Apostol 9:26-31
Pagpapahayag mula sa mga Gawa ng mga ApostolNoong mga araw na iyon:
Pagdating ni Saulo sa Jerusalem,
sinikap niyáng mapabilang sa mga alagad doon.
Ngunit ang mga ito ay takót sa kaniyá,
at hindi makapaniwalang isa na siyáng alagad.
Subalit isinama siyá ni Bernabe sa mga apostol.
Isinalaysay niyá sa kanila
kung paano nagpakita ang Panginoón kay Saulo
at nakipagusap dito nang ito’y nasa daan.
Sinabi rin niyáng si Saulo’y buong tapang na nangaral sa Damasco,
sa pangalan ni Hesús.
At mula noon,
si Saulo’y kasamasama nila sa Jerusalem,
at buong tapang na nangangaral doon sa pangalan ng Panginoón.
Nakipagusap din siyá at nakipagtalo sa mga Helenista,
kaya’t tinangka nilang patayin siyá.
Nang malaman ito ng mga kapatid,
dinala nila si Saulo sa Cesarea at pinauwi sa Tarso.
Kaya’t naging matiwasay ang simbahan sa buong Judea, Galilea at Samaria.
Ito’y tumatag at lumaganap sa tulong ng Espiritu Santo
at namuhay na may pagkatakót sa Panginoón.
1314
Tugon sa Salmo: Salmo 22:26-27, 28+30, 31-32
Pupurihin kita, Poon, ngayong kami'y natitipon!Pakinggan
1315
Salmong Tugunan: Awit 021
Sa harap ng masunuring mga lingkod mong hinirang,ang handog na panata ko ay doon ko iaalay.
Magsasawa sa pagkain yaong mga nagdarahop,
aawit ng pagpupuri ang sa Diyós ay dudulog;
buhay nila ay uunlad, sasagana siláng lubos.
Sa dakilang Panginoón, ang lahát ay magbabalik,
ang lahát ng mga lahi ay sasambang may pagibig.
Mangangayupapang lahát ang palalo’t mayayabang,
ang lahát ng mga tao ay yuyuko sa Maykapal,
ang narito sa daigdig na nilikhang mamamatay.
Maging lahing susunod pa ay sasamba’t maglilingkod,
at mayroong mangangaral sa kanila tungkol sa Diyós.
Sa lahát ng sisiláng pa’y ganito ang ihahayag
"Sa hinirang niyáng bansa ay Panginoón ang nagligtas.”
1316
Pagbasa 2: I Sulat ni San Juan3:18-24
Pagpapahayag mula sa Unang Sulat ni Apostol San JuanMga anak,
huwag tayong umibig sa pamamagitan ng salita o wika lamang.
Ipakita natin ang tunay na pag-ibig sa pamamagitan ng gawa.
Dito natin makikilalang tayo’y nasa panig ng katotohanan,
at matatahimik ang ating budhi sa harapan ng Diyós
sakali mang tayo’y usigin niyon.
Sapagkat ang Diyós ay higit sa ating budhi
at alam niyá ang lahát ng bagay.
Mga minamahal,
kung hindi tayo inuusig ng ating budhi,
panatag ang ating loob na makalalapit sa Diyós.
Tinatanggap natin ang anumang ating hingin sa kaniyá,
sapagkat sinusunod natin ang kaniyáng mga utos
at ginagawa ang nakalulugod sa kaniyá.
Ito ang kaniyáng utos:
manalig tayo sa kaniyáng Anak na si Hesukristo,
at mag-ibigan,
gaya ng iniutos ni Kristo sa atin.
Ang sumusunod sa mga utos ng Diyós ay nananatili sa Diyós,
at nananatili naman sa kaniyá ang Diyós.
At sa pamamagitan ng Espiritung ipinagkaloob niyá sa atin
ay nalalaman nating nananatili siyá sa atin.
1317
Magandang Balita: Juan 15:1-18
Noong panahong iyon,sinabi ni Hesús sa kaniyáng mga alagad:
“Akó ang tunay na puno ng ubas,
at ang aking Ama ang tagapag-alaga.
Pinuputol niyá ang bawat sangang hindi namumunga;
at kaniyá namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang namumunga
upang lalong dumami ang bunga.
Nalinis na kayó sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyó.
Manatili kayó sa akin at mananatili akó sa inyó.
Hindi makapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno.
Gayon din naman,
hindi kayó makapamumunga kung hindi kayó mananatili sa akin.
Akó ang puno ng ubas,
kayó ang mga sanga.
Ang nananatili sa akin,
at akó sa kaniyá,
ang siyáng namumunga nang sagana;
sapagkat wala kayóng magagawa kung kayó’y hiwalay sa akin.
Ang hindi nananatili sa akin ay itatapon at matutuyo,
gaya ng sanga.
Ang gayong mga sanga ay titipunin at susunugin.
Kung nananatili kayó sa akin at nananatili sa inyó ang mga salita ko,
hingin ninyó ang inyóng maibigan,
at ipagkakaloob sa inyó.
Napararangalan ang Ama kung kayó’y namumunga nang sagana
at sa gayo’y napatutunayang mga alagad ko kayó."
1318
Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
Uwian, Ugnay, Yaman, Sinugboanon, Ilocano, Capampangan, Pangasinan
Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006
Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.
Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.
Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 18.97.14.88