Misa, Liturhiya, Pagbasa, Awit sa
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

3 Linggó ng Mulíng Pagkabuhay, 4/14/2024

Leksyonaryo 47

Mga Awit Mga Awit sa Kapistahang Itó

Mga Pagbasa

Pagbasa 1: Gawâ ng mga Apostol 3:13-15, 17-19

Pagpapahayag mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Noong mga araw na iyon,
sinabi ni Pedro sa mga tao:
“Ang Diyós nina Abraham,
Isaac at Jacob,
ang Diyós ng ating mga ninuno,
ang nagbigay ng pinakamataas na karangalan
sa kaniyáng Lingkod na si Hesús.
Ngunit siyá’y ibinigay ninyó sa maykapangyarihan
at itinakwil sa harapan ni Pilato,
gayong ipinasiyá na nitong palayain siyá.
Itinakwil ninyó ang Banal at Matuwid,
at isang mamamatay- tao ang hiniling ninyóng palayain.
Pinatay ninyó ang Pinagmumulan ng buhay,
ngunit siyá’y muling binuhay ng Diyós,
at saksi kami sa bagay na ito.
At ngayon,
mga kapatid,
batid kong hindi ninyó nalalaman ang inyóng ginawa,
gayon din ang inyóng mga pinuno.
Ngunit sa ginawa ninyó’y natupad ang malaon
nang ipinahayag ng Diyós sa pamamagitan ng mga propeta na ang Kristo’y kailangang magbata.
Kaya’t magsisi kayó at magbalikloob sa Diyós
upang pawiin niyá ang inyóng mga kasalanan."


1278

Tugon sa Salmo: Salmo 4:2, 4, 7-8, 9

Pakinggan


Poon, sa ’mi’y pasikatin, liwanag sa iyong piling!
1279

Salmong Tugunan: Awit

Sagutin mo akó sa aking pagtawag,
Panginoóng Diyós na aking kalasag;
ikaw na humango sa dusa ko’t hirap,
ngayo’y pakinggan mo, sa aki’y mahabag.

Nagagalit ka man, sala ay iwasan,
sa loob ng silid ikaw ay magnilay;
ihandog sa Poon, yaong wastong alay,
ang pagtitiwala sa kaniyá ibigay.

O Diyós, ang ligayang bigay mo sa akin,
higit na di hamak sa galak na angkin,
nilang may maraming imbak na pagkain
at iniingatang alak na inumin.

Sa aking paghimlay, akó’y mapayapa,
pagkat ikaw, Poon, ang nangangalaga.


1280

Pagbasa 2: I Sulat ni San Juan2:1-5

Pagpapahayag mula sa Unang Sulat ni Apostol San Juan

Mga anak,
isinusulat ko ito sa inyo para hindi kayo magkasala.
Ngunit kung magkasala ang sinuman,
may Tagapamagitan tayo sa Ama.
At iya’y si Hesukristo,
ang walang sala.
Sapagkat si Kristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin,
at kasalanan din ng lahat ng tao.
Nakatitiyak tayong nakikilala natin ang Diyos
kung sinusunod natin ang kaniyáng mga utos.
Ang nagsasabing,
“Nakikilala ko siyá,” ngunit sumusuway naman sa kaniyáng mga utos ay sinungaling,
at wala sa kaniyá ang katotohanan.
Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig sa kaniyá nang wagas.
Ganito natin nalalamang tayo’y nasa kaniyá.


1281

Pambungad: cf. Lucas 24:32

Poong Hesus, aming hiling Kasulata’y liwanagin, kami ngayo’y pag-alabin.
1282

Magandang Balita: Mabuting Balita ayon kay San Lucas 24:35-48

Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon:
Samantalang pinag-uusapan ng mga alagad
kung paanong nakilala si Hesús sa paghahati-hati ng tinapay,
si Hesús ay tumayo sa gitna nila.
“Sumainyó ang kapayapaan!"
sabi niyá sa kanila.
Ngunit nagulat silá at natakót
sapagkat akala nila’y multo ang nasa harapan nila.
Kaya’t sinabi ni Hesús sa kanila,
“Ano’t kayó’y nagugulumihanan?
Bakit nag-aalinlangan pa kayó?
Tingnan ninyó ang aking kamay at paa,
akó nga ito.
Hipuin ninyó akó at pagmasdan.
Ang multo’y walang laman at buto,
ngunit akó’y mayroon,
tulad ng nakikita ninyó."

At pagkasabi nito,
ipinakita niyá sa kanila ang kaniyáng mga kamay at mga paa.
Nang hindi pa rin silá makapaniwala
dahil sa malaking galak at pagkamangha,
tinanong silá ni Hesús,
“May makakain ba riyan?"
Siyá’y binigyan nila ng kaputol na isdang inihaw;
kinuha niyá ito at kinain sa harapan nila.

Pagkatapos,
sinabi sa mga alagad,
“Ito ang tinutukoy ko
nang sabihin ko sa inyó noong kasamasama pa ninyó akó:
dapat matupad ang lahát ng nasusulat
tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises,
sa mga aklat ng mga propeta at sa aklat ng mga Awit."
At binuksan niyá ang kanilang mga pag-iisip
upang maunawaan nila ang mga Kasulatan.
Sinabi niyá sa kanila,
“Ganito ang nasusulat:
kinakailangang magbata ng hirap at mamatay ang Mesiyás
at muling mabuhay sa ikatlong araw.
Sa kaniyáng pangalan,
ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan
ay dapat ipangaral sa lahát ng bansa,
magmula sa Jerusalem.
Kayó ang mga saksi sa mga bagay na ito."


1283

Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006

Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.



Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.

Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at right arrow info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 3.236.100.210