1 Linggó ng Pagdating - C, 12/1/2024
Leksyonaryo 3Mga Awit sa Kapistahang Itó
Mga Pagbasa
Pagbasa 1: Jeremias 33:14-16
Sinabi pa ng Panginoón,“Dumaratíng na ang araw na tutuparín ko
ang aking pangako sa Israel at sa Juda.
At sa panahóng iyón,
pasisibulín ko ang matuwíd na sangá ni Davíd.
Paiiralin niyá ang katarungan at ang katuwiran sa buóng lupain.
Sa mga araw ring iyón,
maliligtás ang mga tagá-Juda
at mapayapang mamumuhay ang mga tagá-Jerusalem.
At silá’y tatawagin sa pangalang itó:
‘Ang Panginoón ang ating katuwiran.’ ”
1013
Tugon sa Salmo: Tugon sa Awit
Sa’yo ako’y tumatawag, Poong D’yos na nagliligtas!
1014
Salmong Tugunan: Awit 025:4-5, 8-9, 10+14
Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos,ituro mo sana sa aba mong lingkod;
ayon sa matuwid, ako ay turuan,
ituro mo, Poon, ang katotohanan;
tagapagligtas ko na inaasahan.
Mabuti ang Poon at makatarungan,
sa mga salari’y guro at patnubay;
sa mababang-loob siyá yaong gabay,
at nagtuturo ng kaniyáng kalooban.
Tapat ang pag-ibig,
siyá’ng umaakay sa tumatalima sa utos at tipan.
Sa tumatalima, siyá’y kaibigan,
at tagapagturo ng tipan n’yang banal.
1015
Pagbasa 2: 1 Sulat sa mga Taga-Tesalonika 3:12–4:2
Mga kapatid:Palaguin nawa at pag-alabin ng Panginoón
ang inyóng pag-ibig sa isa’t isa at sa lahát ng tao,
tulad ng pag-ibig namin sa inyó.
Kung ito ang mangyayari,
palalakasin niyá ang inyóng loob.
Sa gayon,
kayó’y mananatiling banál at waláng kapintasan
sa harapan ng ating Diyós at Amá
hanggáng sa muling pagdating ng ating Panginoóng Hesús,
kasama ang mga hinirang niyá.
Isa pang bagay ang ipinapayo namin sa inyó sa pangalan ng Panginoóng Hesús.
Sana’y lalo pang pagbutihin ninyó ang pamumuhay ninyó ngayon
– pamumuhay na ayon sa inyóng natutuhan sa amin
– upang kayó’y maging kalugud-lugod sa Diyós.
Batid namán ninyó ang mga aral na ibinigáy namin sa inyó
buhat sa Panginoóng Hesús.
1016
Pambungad:
Pag-ibig mo’y ipakita, lingapin kami tuwina, iligtas kami sa dusa!1017
Magandang Balita: Mabuting Balita ayon kay San Lucas 21:25-28, 34-36
Noong panahong iyon:Sinabi ni Hesús sa kaniyáng mga alagad:
“Magkakaroon ng mga tanda sa araw,
sa buwan, at sa mga bituin.
Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito
dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat.
Ang mga tao’y hihimatayin sa takót
dahil sa pagiisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan;
sapagkat mayayanig at mawa-wala sa kani-kanilang landas
ang mga planeta at iba pang katulad nito na nasa kalawakan.
Sa panahong iyon,
ang Anak ng Tao’y makikita nilang dumarating na nasa alapaap,
may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan.
Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito,
magalak kayó sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyó.
Mag-ingat kayó na huwag magu magumon sa katakawan at paglalasing
at mabuhos ang inyóng isip sa mga intindihin sa buhay na ito;
baka abutan kayó ng Araw na yaon na hindi handa.
Sapagkat darating iyon nang di inaasahan ng tao sa buong daigdig.
Kaya’t maging handa kayó sa lahát ng oras.
Lagi ninyóng idalangin na magkaroon kayó ng lakas
upang makaligtas sa lahát ng mangyayaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.”
1018
Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
Uwian, Ugnay, Yaman, Sinugboanon, Ilocano, Capampangan, Pangasinan
Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006
Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.
Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.
Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 3.136.22.204