Misa, Liturhiya, Pagbasa, Awit sa
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Nov 9: Pagtalaga ng Basilica ng Laterano, 11/9/2025

Leksyonaryo 671

Mga Awit Mga Awit sa Kapistahang Itó

Mga Pagbasa

Pagbasa 1: Ez 47:1-2.8-9.12

Pagpapahayag mula sa Aklat ni Propeta Ezekiel

Noong mga araw na iyon,
bumalik kami ng anghel sa pintuan ng templo.
Sa ilalim nito’y may agos ng tubig papunta sa silángan.
Ang templo’y paharap sa silángan.
Ito’y nagmumula sa gawing timog na bahagi ng templo,
sa gawing timog ng altar.

Lumabas kami sa pintuan sa gawing hilaga
at iniligid niyá akó papalabas sa pintuan sa gawing silángan.
Doon ay may mahinang agos ng tubig
mula sa gawing timog ng hagdanan.

Sinabi niyá sa akin,
“Ang tubig na ito ay papunta sa dakóng silángan,
hanggang Dagat na Patay.
Pag-abot nito sa Dagat na Patay,
malilinis ang tubig nito.

Lahát ng lugar na maagusan nito
ay magkakaroon ng lahát ng uri ng hayop at isda.
Pagdating ng agos nito sa Dagat na Patay,
magiging tabang ang tubig ng dagat.

Lahát ng lugar na abutin nito ay magkakaroon ng buhay.
Sa magkabilang pampang ng ilog ay tutubo
ang sari-saring punong-kahoy na makakain ang bunga.

Hindi malalanta ang mga dahon nito,
ni mawawalan ng bunga
pagkat ang didilig dito
ay ang tubig na umagos mula sa templo;
ito ay patuloy na mamumunga sa buong taon.
Ang bunga nito ay pagkain,
at gamot naman ang mga dahon."


2264

Tugon sa Salmo: Tugon sa Awit



Sa bayan ng Dakilang D’yos, batis n’ya’y may tuwang dulot!
2216

Salmong Tugunan: Awit 046:2-3, 5-6, 8-9

Ang Diyós ang lakas natin at kanlungan,
at handang saklolo kung may kaguluhan;
di dapat matakót, mundo’y mayanig man,
kahit na sa dagat ang bundok mabuwal.

May ilog ng galak sa bayan ng Diyós,
sa banal na templo’y ligaya ang dulot.
Ang tahanang-lunsod ay di masisira;
ito ang tahanan ng Diyós na Dakila,
mula sa umaga ay kaniyáng alaga.

Nasa atin ang Diyós Makapang-yarihan,
ang Diyós ni Jacob na ating kanlungan.
Anuman ang kaniyáng ginawa sa lupa,
sapat nang pagmasdan at ikaw’y hahanga.


2217

Pagbasa 2: 1 Cor 3:9- 11.16-17

Pagpapahayag mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa Mga taga-Corinto

Mga kapatid:
Kayó ang gusali ng Diyós.
Ayon sa kaloob ng Diyós sa akin,
akó ang naglagay ng pundas-yon,
bilang mahusay na tagapagtayo.

Iba naman ang nagpapatuloy ng pagtatayo ng gusali.
Ngunit maging maingat ang bawat nagtatayo,
sapagkat wala nang ibang pundasyon
na maaaring ilagay liban sa nailagay na,
si Hesukristo.

Hindi ba ninyó alam na kayó’y templo ng Diyós
at naninirahan sa inyó ang kaniyáng Espiritu?
Parurusahan ng Diyós ang magwasak ng templo niyá.
Sapagkat banal ang templo ng Diyós,
at kayó ang templong iyan.


2265

Magandang Balita: Juan 2:13-22

Malapit na ang Paskuwa ng mga Judio,
kaya’t pumunta si Hesús sa Jerusalem.
Nakita niyá sa templo ang mga nagbibili ng mga baka,
mga tupa,
at mga kalapati,
at ang namamalit ng salapi.

Gumawa siyá ng isang panghagupit na lubid
at ipinagtabuyang palabas ang mga mangangalakal,
pati mga baka at tupa.

Isinabog niyá ang salapi ng mga namamalit
at pinagtataob ang kanilang mga hapag.
Sinabi niyá sa mga nagbibili ng kalapati,
“Alisin ninyó rito ang mga iyan!
Huwag ninyóng gawing palengke ang bahay ng aking Ama!"

Naalaala ng kaniyáng mga alagad na sinasabi sa Kasulatan,
“Ang aking malasakit sa iyong bahay
ay parang apoy na nag-aalab sa puso ko."
Dahil dito’y tinanong siyá ng mga Judio,
“Anong tanda ang maibibigay mo
upang patunayang may karapatan kang gawin ito?"

Tumugon si Hesús,
“Gibain ninyó ang templong ito
at muli kong itatayo sa loob ng tatlong araw."

Sinabi ng mga Judio,
“Apat-napu’t anim na taon na ginawa ang templong ito,
at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?"

Ngunit ang templong tinutukoy ni Hesús
ay ang kaniyáng katawan.
Kaya’t nang siyá’y muling mabuhay,
naalaala ng kaniyáng mga alagad na sinabi niyá ito;
at naniwala silá sa Kasulatan at sa mga sinabi ni Hesús.


2218

Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006

Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.



Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.

Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2025 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 216.73.216.51