Misa, Liturhiya, Pagbasa, Awit sa
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Lahat ng Kaluluwa, 11/2/2025

Leksyonaryo 668

Mga Awit Mga Awit sa Kapistahang Itó

Mga Pagbasa

Pagbasa 1: Karunungan 3:1-9

Pagpapahayag mula sa Aklat ng Karunungan

Ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos,
at di sila makararanas ng kamunti mang pahirap.
Sa akala ng mga hangal,
ang mga matuwid ay namamatay;
iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan,
at ang pagpanaw nila ay tuluyang paglaho.

Ngunit ang totoo,
sila’y nananahimik na.
Bagamat sa tingin ng tao sila’y pinarusahan,
ngunit ang totoo,
sila’y nasa buhay na walang hanggan.
Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala,
napatunayan ng Diyos na sila’y karapatdapat.
Sila’y kanyang sinubok,
tulad ng ginto sa tunawan,
kaya’t sila’y tinanggap niyang parang handog na sinusunog.
Pagdating ng Pangi¬noon para gantimpalaan ang mga banal,
magniningning silang parang ningas ng nagliliyab na dayami.
Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig.

At ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailan¬man.
Ang mga nagtitiwala sa kanya
ay makauunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan.
At ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay
na kasama niya sa kanyang pag-ibig,
sapagkat siya’y mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang.


2257

Pagbasa 1: Karunungan 3:1-9

Pagpapahayag mula sa Aklat ng Karunungan

Ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos,
at di sila makararanas ng kamunti mang pahirap.
Sa akala ng mga hangal,
ang mga matuwid ay namamatay;
iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan,
at ang pagpanaw nila ay tuluyang paglaho.

Ngunit ang totoo,
sila’y nananahimik na.
Bagamat sa tingin ng tao sila’y pinarusahan,
ngunit ang totoo,
sila’y nasa buhay na walang hanggan.
Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala,
napatunayan ng Diyos na sila’y karapatdapat.
Sila’y kanyang sinubok,
tulad ng ginto sa tunawan,
kaya’t sila’y tinanggap niyang parang handog na sinusunog.
Pagdating ng Pangi¬noon para gantimpalaan ang mga banal,
magniningning silang parang ningas ng nagliliyab na dayami.
Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig.

At ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailan¬man.
Ang mga nagtitiwala sa kanya
ay makauunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan.
At ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay
na kasama niya sa kanyang pag-ibig,
sapagkat siya’y mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang.


2258

Tugon sa Salmo: Awit 27

Tanglaw ko at kaligtasan ang Panginoong Maykapal!
2259

Salmong Tugunan: Salmo 27

Tanglaw ko’y ang Poon, aking kaligtasan,
kaya walang takót akó kaninuman;
sa mga panganib kaniyáng iingatan,
kaya naman akó’y walang agam-agam.

Isang bagay lamang ang aking mithiin,
isang bagay itong sa Poon hiniling:
Ang akó’y lumagi sa banal na templo
upang kagandahan niyá’y mamasdan ko
at yaong patnubay niyá ay matamo.

O Diyós, akó’y dinggin sa aking pagtawag,
lingapin mo akó, sa aki’y mahabag.
Ang paanyaya mo’y "Lumapit sa akin."
Huwag kang magkukubli’t kita’y hahanapin!

Akó’y nananalig na bago mamatay,
masasaksihan ko ang ‘yong kabutihan na igagawad mo sa mga hinirang.
Sa Panginoóng Diyós tayo’y magtiwala! Ating patatagin ang paniniwala;
tayo ay umasa sa kaniyáng kalinga!


2256

Pagbasa 2: Taga-Roma 6:3-9

Pagpapahayag mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa Mga taga-Roma

Mga kapatid,
hindi ba ninyó nalalaman na tayong lahát
na nabinyagan kay Kristo Hesús ay nabinyagan sa kaniyáng kamatayan?

Samakatwid,
tayo’y namatay at nalibing na kasama niyá sa pamamagitan ng binyag
upang kung paanong binuhay na muli si Kristo
sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama,
tayo nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.

Sapagkat kung nakaisa tayo ni Kristo sa isang kamatayang
tulad ng kaniyáng kamatayan,
tiyak na makakaisa niyá tayo sa isang muling pagkabuhay
tulad ng kaniyáng pagkabuhay.

Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakóng kasama niyá
upang mamatay ang makasalanang katawan
at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan.

Sapagkat ang namatay na ay pinalaya
mula sa kapangyarihan ng kasalanan.
Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo
kung namatay tayong kasama niyá.

Alam nating si Kristo na muling binuhay
ay hindi na muling mamamatay.
Wala nang ka¬pangyarihan sa kaniyá ang kamatayan.


2260

Pagbasa 2: ..

Mabubuhay kailanman ang manalig sa hinirang na Manunubos ng tanan.
2262

Pambungad: ..

Mabubuhay kailanman ang manalig sa hinirang na Manunubos ng tanan.
2263

Magandang Balita: Juan 6:37-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Juan

Noong panahong iyon,
sinabi ni Hesús sa mga tao,
“Lalapit sa akin ang lahát ng ibinibigay sa akin ng Ama.
At hindi ko itataboy ang sinumang lumapit sa akin.

Sapagkat akó’y bumaba mula sa langit,
hindi upang gawin ang kalooban ko,
kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.

At ito ang kaniyáng kalooban:
huwag kong pabayaang mawala
kahit isa sa mga ibinigay niyá sa akin,
kundi muling buhayin silá sa huling araw.

Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama:
ang lahát ng makakita at manalig sa Anak
ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
At silá’y muli kong bubuhayin sa huling araw."


2261

Magandáng Balitŕ Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006

Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.



Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.

Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2025 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 216.73.216.51