Misa, Liturhiya, Pagbasa, Awit sa
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

27 Linggó sa Karaniwang Panahón - C, 10/2/2022

Leksyonaryo 141

Mga Awit Mga Awit sa Kapistahang Itó

Mga Pagbasa

Pagbasa 1: Propeta Habbakuk 1:2-3, 2:2-4

Pagpapahayág mula sa Aklát ni Propeta Habakúk

Panginoón, hanggáng kailán akó daraíng sa iyó, at di mo diringgín?
Hanggang kailán mo babayaang mamayani ang karahasán?
Bakit ang ipinakikita mo sa akin ay pawang kasamaan at kahirapan?
Sa magkábikabila’y nagaganáp ang pagwasak at ang karahasan;
laganap ang hidwaan at pagtatalo.

At itó ang tugón ng Panginoón:
“Isulat mo ang pangitain;
isulat mong malinaw sa mga tapyás ng bató,
upang madalíng mabasa at ibalita sa lahát.
Sapagkát hindi pa dumaratíng ang takdáng panahón
upang maganáp ang pangitain;
mabilís na dumaratíng ang wakás – hindî itó maliliban.
Ngunit tiyák na magaganáp,
kung itó ma’y nagtatagál.
Masdán mo, ang hambóg ay mabibigo sa kaniyáng kapalaluan,
ngunit ang matuwíd ay mabubuhay sa kaniyáng katapatan.”



Magandáng Balitŕ Bíblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
1768

Tugon sa Salmo: Tugon sa Awit

Panginoó’y inyóng dinggín, huwág n’yó s’yang salungatín!

Panginoó’y inyóng dinggín, huwág n’yó s’yang 
salungatín
1769

Salmong Tugunan: Awit 095:1-2, 6-7, 8-9

Tayo ay lumapit sa ‘ting Panginoón, siyá ay awitan,
ating papurihán ang batóng kublihan nati’t kalakasan.
Tayo ay lumapit, sa kaniyáng harapán na may pasalamat,
siyá ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galák. Tugón

Tayo ay lumapit, sa kaniyá’y sumambá at magbigáy-galang,
lumuhód sa haráp nitóng Panginoóng sa ati’y lumaláng.
siyá ang ating Diyós, tayo ay kalinga niyáng mga hirang,
mga tupa tayong inaalagaan. Tugón

Ang kaniyáng salita ay ating pakinggán:
“Iyáng inyóng puso’y huwág patigasín,
tulad ng ginawa ng inyóng magulang náng nasa Meribá, sa iláng ng Masa.
Akó ay tinuksó’t doón ay sinubok ng inyóng maguláng,
bagamát nakita ang aking ginawáng silá’ng nakinabang.” Tugón
1770

Pagbasa 2: 2 Sulat kay Timoteo 1:6-8, 13-14

Pagpapahayág mula sa Ikalawáng Sulat ni San Pablo kay Timoteo
Pinakamámahál ko,
ipinaáalaala ko sa iyó na magíng masigasig ka
sa pagtupád sa tungkuling tinanggáp mo sa Diyós
nang ipatong ko ang aking mga kamáy sa ulo mo.

Sapagkát hindi espiritu ng kaduwagán ang ibinigay sa atin ng Diyós
kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili.
Kayá’t huwág mong ikahihiya ang pagpapatotoó
tungkól sa Panginoón o ang aking pagkabilanggo dahil sa kaniyá.
Sa halip, makihati ka sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita.

Gawín mong batayán ang mga aral na itinuro ko sa iyó
yamang ang mga itó’y pawang katotohanan.
Manatili ka sa pananámpalataya
at sa pag-ibig na tinanggáp natin sa pakikipag-isá kay Kristo Hesús.
Sa tulong ng Espiritu Santong nananahan sa atin,
ingatan mo ang lahát ng ipinagkatiwala sa iyó.



Bagong Tipán © 1973 Philippine Bible Society. All rights reserved.
1771

Pambungad:

Balita sa inyó ngayó’y salita ng Panginoóng iiral habang panahón.
1772

Magandang Balita: Mabuting Balita ayon kay San Lucas 17:5-10

Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Lucas

Noóng panahóng iyón, sinabi ng mga apostól sa Panginoón,
“Dagdagán po ninyó ang aming pananalig sa Diyós!”

Tumugón ang Panginoón,
“Kung maging sinlakí man lamang ng butil ng mustasa
ang inyóng pananalig sa Diyós,
masasabi ninyó sa puno ng sikomorong itó,
‘Mabunot ka, at matanim sa dagat!’ at tatalima itó sa inyó.

Ipalagáy nating kayó’y may aliping nag-aararo, o nagpapastól kaya ng tupa.
Pagkagaling niyá sa bukid, sasabihin ba ninyó sa kaniyá,
‘Halika at nang makakain ka na’?
Hindi!
Sa halip ay ganitó ang sinasabi ninyó:
‘Ipaghanda mo akó ng hapunan;
magbihis ka, at silbihán mo akó habang akó’y kumakain.
Kumain ka pagkakain ko.’
Pinasasalamatan ba ang alipin
dahil sa ginawa niyá ang iniutos sa kaniyá?

Gayón din namán kayó;
kapág nagawa na ninyó ang lahát ng iniutos sa inyó, sabihin ninyó,
‘Kamí’y mga aliping walâng kabuluhan;
tumupád lamang kamí sa aming tungkulin.’ ”



Bagong Tipán © 1973 Philippine Bible Society. All rights reserved.
1773

Magandáng Balitŕ Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006

Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.



Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.

Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2025 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 216.73.216.72