29 Linggó sa Karaniwang Panahón - C, 10/16/2022
Leksyonaryo 147Mga Awit sa Kapistahang Itó
Mga Pagbasa
Pagbasa 1: Exodo 17:8-13
Pagpapahayág mula sa Aklát ng ExodoNoong mga araw na iyón,
ang mga Israelita’y nasa Refidim
at sinalakay silá ng mga Amalecita.
Sinabi ni Moises kay Josue,
“Pumili ka ng iláng tauhan natin
at pangunahan mo sa pakikipaglaban sa mga Amalecita.
Tatanganan ko namán ang tungkod na ibinigáy sa akin ng Diyós
at akó’y tatayo sa ibabaw ng burol.”
Sinunod ni Josue ang utos ni Moises at hinaráp niyá ang mga Amalecita.
Si Moises namán, kasama niná Aaron at Hur ay nagpuntá sa burol.
Kapág nakataás ang mga kamáy ni Moises, nananalo ang mga Israelita;
kapág nakababa, nananalo namán ang mga Amalecita.
Nangawit na si Moises
kaya siná Aaron at Hur ay kumuha ng isáng bato
at pinaupo roon si Moises
habang hawak niláng pataás ang mga kamáy nitó
hanggáng sa lumubog ang araw.
Dahil doo’y nalupig ni Josue ang mga Amalecita.
Magandáng Balitŕ Bíbliá © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
1804
Tugon sa Salmo: Tugon sa Awit
Ang tutulong sa atin ay ang Panginoón, na gumawâ ng langit at lupŕ!1805
Salmong Tugunan: Awit 0121:1-2, 3-4, 5-6, 7-8
Sa gawi ng bundok, tumitingin akó,saán manggagaling ang aking saklolo?
Ang hangád kong tulong, sa Diyós magmumula,
sa Diyós na lumikha ng langit at lupa. Tugón
Huwag sana akóng bayaang mabuwál,
handáng lagi siyá sa pagsasanggaláng.
Ang tagapagtanggol ng bayang Israel
hindi natutulog at paláging gising. Tugón
Ang D’yos na Panginoón, siyáng magbabantáy,
laging nasa piling, upang magsanggaláng
di ka magdaramdám sa init ng araw,
kung gabi ay di ka sasaktán ng buwán. Tugón
Sa mga panganib, ikáw’y ililigtás nitóng Panginoón,
siyáng mag-iingat.
Saanmán naroón, ikáw’y iingatan,
di ka maaano kahit na kailán. Tugón
Magandáng Balitŕ Bíbliá © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
1806
Pagbasa 2: 2 Sulat kay Timoteo 3:14-4:2
Pagpapahayág mula sa Ikalawáng Sulat ni San Pablo kay TimoteoPinakamamahál ko:
Huwág mong tatalikdán ang mga aral
na natutuhan mo at matibay na pinananaligan,
yamang kilalá mo ang nagturo nitó sa iyó.
Mula pa sa pagkabata,
alám mo nang ang Banál na Kasulatan ay nagtuturo ng daán ng kaligtasan
sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo Hesús.
Lahát ng kasulata’y kinasihan ng Diyós
at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan,
sa pagpapabulaan sa maling aral,
sa pagtutuwid sa likong gawain,
at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay.
Sa gayon, ang lingkod ng Diyós ay magiging handa
sa lahát ng mabubuting gawain.
Inuutusan kitá sa ngalan ng Diyós at ni Kristo Hesús
na hahatol sa mga buháy at mga patáy:
alang-alang sa kaniyáng pagparito at paghahari,
ipangaral mo ang salita ng Diyós,
napapanahon man o hindi;
hikayatin mo, pagsabihan, at patatagin ang loob ng mga tao
sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.
Bagong Tipán © 1973 Philippine Bible Society. All rights reserved.
1807
Pambungad:
Buhay ang salita ng D’yos. Ganáp nitóng natatalos tanáng ating niloloob.1808
Magandang Balita: Mabuting Balita ayon kay San Lucas 18:1-8
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San LucasNoong panahong iyón,
isinaysáy ni Hesús ang isáng talinghaga
upang ituro sa mga alagád
na dapat siláng manalanging lagi at huwág manghinawa.
“Sa isang lunsod,” wika niya,
“may isáng hukom na hindi natatakot sa Diyós
at walâng taong iginagalang.
Sa lunsod ding iyón ay may isáng babaing balo
na puntá nang puntá sa hukom at humihingi ng katarungan.
Tinanggihán siyá ng hukom sa loob ng iláng panahon.
Ngunit nang malaunan ay nasabi nitó sa sarili:
‘Bagamát hindi akó natatakot sa Diyós,
ni gumagalang kaninumán,
igagawad ko na ang katarungang hinihingi ng babaing itó
sapagkát lagi niyá akóng ginagambala
– baká pa akó mainis sa kapaparito niya.’ ”
At sinabi ng Panginoón,
“Narinig ninyo ang sinabi ng masamáng hukom.
Hindi ipagkakait ng Diyós ang katarungan sa kaniyáng mga hinirang
na dumaraing sa kaniyá araw-gabi,
bagamát tila nagtatagál iyón.
Sinasabi ko sa inyó,
agád niyáng igagawad sa kanilá ang katarungan.
Ngunit pagdating ng Anák ng Tao sa daigdig na itó,
may makikita kaya siyáng mga taong nananalig sa kaniyá?”
Bagong Tipán © 1973 Philippine Bible Society. All rights reserved.
1809
Magandáng Balitŕ Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
Uwian, Ugnay, Yaman, Sinugboanon, Ilocano, Capampangan, Pangasinan
Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006
Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.
Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.
Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 18.217.70.106