Misa, Liturhiya, Pagbasa, Awit sa
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Awit | Salmo Siyámnapút-Anim (96): Makapangyarihang Harì

Pakinggan

Palitan ng "ang Poón" ang "si Yahweh."

1. Purihin ang Panginoón, awitan ng bagong awit;
Ang Poón ay papurihán nitóng lahát sa daigdíg!
Awitan ang Panginoón, ngalan niyá ay purihin;
Araw-araw ang ginawáng pagliligtas ay banggitin.
Kahit saá’y ipahayág na ang Poón ay dakila,
Sa madlâ ay ipahayág ang dakilà niyáng ginawâ.

2. O ang Poón ay purihin ng lahát sa daigdigan!
Purihin ang lakás niyá at ang kaniyáng kabanalan!
Ang pagpurì ay iukol sa pangalan niyáng banál,
Dumulóg sa kaniyáng templo’t maghandog ng mga alay.
Kung ang Poón ay dumating, sa likás niyáng kabanalan,
Humaráp na nagnining-ning ang lahát sa daigdigan.
(Ulitin ang unang talatà.)

Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society.


Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.

Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at right arrow info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 3.149.243.32