Misa, Liturhiya, Pagbasa, Awit sa
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Awit | Salmo Walumpút-Siyám (89): Dalangin upang Iligtás

Pakinggan

1. Pag-ibig mo, Poón, na di nagmamaliw,
Ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin;
Ang katapatan mo’y laging sasambitín.
Yaóng pag-ibig mo’y waláng katapusán,
Sintatág ng langit ang ‘yong katapatan.
Sabi mo, O Poón, ikáw ay may tipán
Na iyóng ginawâ kay Davíd mong hirang
At itó ang iyóng pangakong iniwan:
“Isá sa lahì mo ang maghaharì,
Ang kaharian mo ay mamamalagì.”

2. Mapalad ang taong sa ‘yo’y sumasambá,
Sa pagsambá nila’y inaawitan ka,
At sa pag-ibig mo’y namumuhay sila.
Sa buóng maghapon iká’y pinupurì,
Ang katarungan mo ang s’yáng sinasabi.
Ang tagumpáy namin ay iyóng kaloób,
Dahilán sa iyóng kagandahang-loób,
Dahilán sa iyóng kagandahang-loób,
Pagkát pinili mo yaóng harì namin,
Kaloób mo itó, Banál ng Israel.

Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society.


Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.

Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at right arrow info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 18.116.20.205