Awit | Salmo Labíng-Anim (66): Dalangin ng Pagtitiwalà
Pakinggan
1. Sumigáw sa galák, ang mga nilaláng!
At purihin ang D’yós na may kagalakan,
Wagás na pagpurì sa kan’yá’y ibigay!
Itó ang sabihin sa D’yós na Dakila:
“Ang mga gawâ mo ay kahangà-hangà.”
2. Ang lahát sa lupà iká’y sinasambá,
Awit ng papurì yaóng kinakantá,
Ang iyóng pangala’y pinupurì nilá.
Ang ginawâ ng D’yós lapit at pagmasdán:
Ang kahanga-hangang ginawâ sa tanán.
3. Naging tuyóng lupà kahit yaóng tubig
At ang nunò natin ay doón tumawíd
Kayâ namán tayo’y nagalák nang lubós.
S’yá’y naghaharing may lakás ang bisig,
S’yá’y naghaharing may lakás ang bisig.
Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society.
Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.
Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2025 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 216.73.216.49