
21 ng Disyembre, 12/21/2022
Leksyonaryo 197
Mga Pagbasa
Pagbasa 1: Propeta Sofonias 3:14-18a
Pagpapahayag mula sa Aklat ni Propeta SofoniasUmawit ka nang malakas,
Lunsod ng Sion:
sumigaw ka, Israel!
Magalak ka nang lubusan,
Lunsod ng Jerusalem!
Ang mga nagpaparusa sa iyo ay inalis na ng Panginoón,
at itinapon niyá ang inyóng mga kaaway.
Nasa kalagitnaan mo ang Hari ng Israel,
ang Panginoón;
wala nang kasawiang dapat pang katakutan.
Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem:
“Huwag kang matakót, Sion;
huwag manghina ang iyong loob.
Nasa piling mo ang Panginoóng iyong Diyós,
parang bayaning nagtagumpay;
makikigalak siyá sa iyong katuwaan,
babaguhin ka ng kaniyáng pag-ibig;
at siyá’y masayang aawit sa laki ng kagalakan,
gaya ng nagdiriwang sa pista."
2237
Tugon sa Salmo: Salmo 33:1a,3a
Panginoo’y papurihan ng tapat n’yang sambayanan!
2236
Salmong Tugunan: Awit 033:2-3, 11-12, 20-21
Ang Panginoóng Diyós ay pasalamatan,tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan.
Isang bagong awit, awiting malakas,
kasaliw ang tugtog ng alpang marilag!
Ngunit ang mga panukala ng Diyós
ay mamamalagi’t walang pagkatapos.
Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyós,
mapalad ang bayang kaniyáng ibinukod.
Ang ating pag-asa’y nasa Panginoón;
siyá ang sanggalang natin at katulong.
Dahilan sa kaniyá, kami’y natutuwa,
sa kaniyáng ngalan ay nagtitiwala.
2238
Pambungad: [O Antiphons]
O Sinag ng Bukang-Liwayway at araw ng kaligtasan, halina't kami'y tanglawan.2232
Magandang Balita: Mabuting Balita ayon kay San Lucas 1:39-45
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San LucasSi Maria’y nagmamadaling pumunta
sa isang bayan sa kaburulán ng Judea.
Pagdating sa bahay ni Zacarias,
binati niyá si Elisabet.
Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria,
naggagalaw ang sanggol sa kaniyáng tiyan.
Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet,
at buong galak niyáng sinabi,
“Bukod kang pinagpala sa babaing lahát
at pinagpala naman ang iyong dinadalang anak!
Sino akó
upang dalawin ng ina ng aking Panginoón?
Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati
ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan.
Mapalad ka
sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoón!"
2239
Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
Uwian, Ugnay, Yaman, Sinugboanon, Ilocano, Capampangan, Pangasinan

Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006
Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.
Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.
Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at
