Misa, Liturhiya, Pagbasa, Awit sa
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

19 ng Disyembre, 12/19/2022

Leksyonaryo 195

Mga Awit Mga Awit sa Kapistahang Itó

Mga Pagbasa

Pagbasa 1: Hukom 13:2-7, 24-25a

Pagpapahayag mula sa Aklat ng mga Hukom

Noong mga araw na iyon,
sa bayan ng Zora ay may isang lalaking Manoa ang pangalan,
kabilang salipi ni Dan.
Ang asawa niyá ay hindi magkaanak.
Minsan,
napakita sa babae ang anghel ng Panginoón,at sinabi,
“Hanggang ngayo’y wala kang anak.
Ngunit hindi magtatagal,maglilihi ka at manganganak.
Mula ngayon ay huwag kang iinom ng anumang uri ng alak
ni titikim ng anumang bawal na pagkain.
Kung maipanganak mo na siyá,
huwag mong papuputulan ng buhok
pagka’t mula pa sa kaniyáng pagsiláng ay itatalaga na siyá sa Diyós.
Siyá ang magsisimulang magligtas sa Israel mula sa mga Filisteo.”

Ang babae’y lumapit sa kaniyángasawa at kaniyáng sinabi,
“Napakitasa akin ang isang propeta ng Diyós,parang anghel.
Kinikilabutan akó!
Hindi ko tinanong kung tagasaan siyá
at hindi naman niyá sinabi kung sino siyá.
Huwag daw akóng iinom ng alak
ni titikim ng anumang bawal na pagkain
pagka’t ang sanggol naisisiláng ko’y itatalaga sa Diyós.”

Dumating ang araw at nangana kang asawa ni Manoa.
Lalaki ang sanggol at pinangalanan nilang Samson.
Lumaki ang bata na patuloy na pinagpapala ng Panginoón.
Ang Espiritung Panginoón ay lumukob kay Samson.


2007

Tugon sa Salmo: Tugon sa Awit


2008

Salmong Tugunan: Awit 071:3-4a, 5-6ab, 16-17

Ikaw nawa ang muog ko at ligtas na kakanlungan,
matatag na kublihan ko at matibay na sanggalang.
Sa lahát ng masasama, O Diyós,
akó’y ipaglaban.

Panginoón, sa iyo ko inilagak ang pag-asa,
maliit pang bata akó, sa iyo’y may tiwala na;
sa simula at mula pa wala akóng inasahang magiingat sa sarili,
kundi tanging ikaw lamang.

Pagkat ikaw, Panginoón, ay malakas at dakila,
ang taglay mong katangia’y ihahayag ko sa madla.
Sapul pa sa pagkabata akó’y iyong tinuruan,
hanggang ngayo’y sinasambit ang gawa mong hinangaan.


2009

Pambungad: [O Antiphons]

O sanga kang Ugat ni Jesse, taga-akay ng arami, halina't tubusin kami.
2234

Magandang Balita: Mabuting Balita ayon kay San Lucas 1:5-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Lucas

Noong si Herodes ang hari ng Judea,
may isang saserdote na ang ngala’y Zacarias,
sa pangkat ni Abias.
At mula rin sa lipi ni Aaron ang kaniyáng asawang si Elisabet.
Kapwa silá kalugud-lugod sa paningin ng Diyós,
namumuhay nang ayon sa mga utos at tuntuning mula sa Panginoón.
Wala siláng anak sapagkat baog siElisabet,
at silá’y matanda na.

Ang pangkat ni Zacarias ang nanunungkulan noon,
at siyá’y naglilingkod sa harapan ng Diyós bilang saserdote.
Nang silá’y magsapalaran,
ayon sa kaugalian ng mga saserdote,
siyá ang nahirang na maghandog ng kamanyang.
Kaya’t pumasok siyá sa templo ng Panginoón
sa oras ng pagsusunog ng kamanyang,
samantalang nagkakatipon sa labas ang mga tao at nananalangin.

Walang anu-ano’y napakita sa kaniyá ang isang anghel ng Panginoón,
nakatayo sa gawing kanan ng dambanang sunugan ng kamanyang.
Nagulat si Zacarias at sinidlan ng matinding takót
nang makita ang anghel.
Ngunit sinabi nito sa kaniyá,
“Huwag kang matakót,
Zacarias! Dininig ng Diyósang panalangin mo.
Kayó ni Elisabet ay magkakaanak ng isang lalaki,
at Juan ang ipangangalan mo sa kaniyá.
Ikaw ay matutuwa at magigingmaligaya,
at marami ang magagalak sa kaniyáng pagsiláng
sapagkat siyá’ymagiging dakila sa paningin ng Panginoón.
Hindi siyá iinom ng alak
o anumang inuming nakalalasing.
Sa sinapupunan pa lamang ng kaniyáng ina,
mapupuspos na siyá ngEspiritu Santo.
Marami sa mga anak ng Israel ang panunumbalikin niyá
sa kanilang Panginoóng Diyós.
Mauuna siyá sa Panginoón,
taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias,
upang pagkasunduin ang mga ama at ang mga anak,
at panumbalikin sa daan ng matuwid ang mga suwail.
Sa gayon,
ipaghahanda niyá ng isang bayan ang Panginoón.”

Sinabi ni Zacarias sa anghel,
“Paano ko po matitiyak na mangyayari ito?
Sapagkat akó’y napakatanda na at gayon din ang aking asawa.”

Sumagot ang anghel,
“Akó si Gabriel na naglilingkod sa harapan ng Diyós.
Sinugo akó
upang ihatid sa iyo ang mabuting balitang sinabi ko na sa iyo.
At ngayon,
mabibingi ka’t hindi makapagsasalita
hanggang sa araw na maganap ang mga bagay na ito,
sapagkat hindi ka naniwala sa mga sinabi ko
na matutupad pagdating ng takdang panahon.”

Samantala, naghihintay naman kay Zacarias ang mga tao.
Nagtaka silá kung bakit nagtagal siyá nang gayon sa loob ng templo.
Paglabas niyá ay hindi na siyá makapagsalita,
mga senyas na lamang ang ginagamit niyá;
kaya natanto nila na nakakita siyá ng pangitain.
At siyá’y nanatiling pipi.

Nang matapos ang panahon ng kaniyáng paglilingkod ay umuwi na siyá.
Hindi nga nagtagal at naglihi si Elisabet,
at hindi ito umalis ng bahay sa loob ng limang buwan.
“Ngayo’y nilingap akó ng Panginoón,” wika ni Elisabet.
“Ginawa niyá ito upang alisin ang aking kadustaan sa harapan ng mga tao!”


2010

Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006

Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.



Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.

Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at right arrow info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 44.192.92.49