Misa, Liturhiya, Pagbasa, Awit sa
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Pagbabagong-Anyo ng Panginoon, 8/6/2017

Leksyonaryo 614

Mga Awit Mga Awit sa Kapistahang Itó

Mga Pagbasa

Pagbasa 1: Daniel 7:9-10.13- 14

Unang Pagbasa

Habang ako’y nakatingin,
may naglagay ng mga trono.
Naupo sa isa sa mga ito
ang isang nabubuhay magpakailanman.
Kumikinang sa kaputian ang kanyang kasuutan
at parang lantay na lana ang kanyang buhok.
Ang trono niya’y nagniningning.
Ang mga gulong nito ay apoy na nagliliyab.
Waring agos ng tubig ang apoy na bumubuga mula sa trono.
Ang naglilingkod sa kanya’y isang milyon
bukod pa sa milyon-milyong nakaantabay.
Humanda na siya sa paggagawad ng hatol
at binuksan ang mga aklat.
Patuloy ang aking pangitain.
Ang nakita ko naman ay isang tila taong nakasakay sa ulap.
Bumaba ito
at lumapit sa nabubuhay magpakailanman.
Binigyan siya ng kapamahalaan,
ng karangalan at ng kaharian.
Siya ay paglilingkuran ng lahat ng tao,
bansa at wika.
Ang pamamahala niya ay di matatapos,
at di babawiin,
at hindi mawawasak ang kanyang kaharian.


2305

Tugon sa Salmo: Salmo 97:1a,9a

Panginoo’y maghahari, lakas niya’y mananatili
Panginoo’y maghahari, lakas niya’y mananatili
2309

Salmong Tugunan: Salmo 96

Ang Poon ay maghahari, magalak ang kalupaan!
Lahat kayong mga pulo ay magsaya at magdiwang!
Ang paligid niya’y ulap na lipos ng kadiliman,
kaharian niya’y tapat at salig sa katarungan.

Yaong mga kabunduka’y natutunaw,
parang pagkit,
sa harapan ng dakilang Panginoon ng daigdig.
Sa langit ay nahahayag yaong kanyang katuwiran,
sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.

Ikaw, Poon,
ay Dakila at hari ng buong lupa,
dakila ka sa alinmang mga diyos na ginawa.


2306

Pagbasa 2: 2 Ped 1:16-19

Ikalawang Pagbasa 2 Ped 1:16-19

Mga pinakamamahal:
Ang ipinahayag namin sa inyo
tungkol sa muling pagparito ng ating Panginoong Hesukristo,
na puspos ng kapangyarihan,
ay hindi sa mga alamat na katha lamang ng tao.
Nasaksihan namin ang kanyang kadakilaan
nang ipagkaloob sa kanya ng Diyos Ama
ang karangalan at kapurihan.
Ito’y nangyari nang marinig ang tinig
mula sa Dakilang Kaluwalhatian ng langit:
“Ito ang pinakamamahal kong Anak;
siya ang lubos kong kinalulugdan."
Narinig namin ito
sapagkat kami’y kasama niya sa banal na bundok.
Kaya naman lalong tumibay ang aming paniniwala
sa ipinahayag ng mga propeta.
Makabubuting ito’y pag-ukulan ninyo ng pansin,
sapagkat ang nakakatulad nito ay isang ilaw sa karimlan
na tumatanglaw sa inyo
hanggang sa mamanaag ang Araw ng Panginoon
at ang sinag ng tala ng umaga’y maglagos sa inyong puso.


2304

Pagbasa 2: Mt 17:5k

Sabi ng D’yos ay pakinggan ang Anak n’yang minamahal na lubhang kinalulugdan.
2307

Magandang Balita: Mateo 17:1-9


Noong panahong iyon:
Isinama ni Hesús si Pedro,
at ang magkapatid na Santiago at Juan,
at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok.
Samantalang sila’y naroon,
nakita nilang nagbagong-anyo si Hesús:
nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha,
at pumuting parang busilak ang kanyang damit.
Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad
sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Hesús.
Kaya’t sinabi ni Pedro kay Hesús,
“Panginoón,
mabuti pa’y dumito na tayo.
Kung ibig ninyo,
gagawa akó ng tatlong kubo;
isa sa inyo,
isa kay Moises at isa kay Elias."
Nagsasalita pa siyá
nang liliman silá ng isang maningning na ulap.
At mula rito’y may tinig na nagsabi,
“Ito ang minamahal kong Anak
na lubos kong kinalulugdan.
Pakinggan ninyó siya!"
Ang mga alagad ay natakot nang gayon na lamang
nang marinig nila ang tinig,
at sila’y napasubasob.
Nguni’t nilapitan silá ni Hesús at hinipo.
“Tumindig kayo,” sabi niya,
“huwag kayong matakot!"
At nang tumingin silá ay wala silang nakita
kundi si Hesús.
At habang bumababa silá sa bundok,
iniutos ni Hesús sa kanila,
“Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang pangitain
hangga’t hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao."


2303

Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society. All rights reserved.
UwianUgnayYamanSinugboanonIlocanoCapampanganPangasinan

Welcome.
Magsimba. Litúrhiya. Filipino. www.magsimba.com Filipino Catholic Liturgical Resources Since 2006

Please pray for our work and make a donation. Please help. Salamat po.



Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.

Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2022 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Write to us at right arrow info@magsimba.com. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 3.17.154.171